"KATOL"
June 05, 2014
11:35 Pm
Sabado.
Nakaupo sa sala, sinampal ang kaliwang pisngi upang patayin ang lamok na kanina pa nagpupumilit makasipsip ng dugo mula sa akin. Nagtagumpay ako. Ngunit isang iglap lang ay may nagtangka nanaman na ako'y gambalain. Sinindihan ko ang katol at ipinatong sa lamesa, nagliparan palayo ang mga mumunting bampira. Nakahinga na ako ng maluwag.
Naka bukas ang TV. mapapanuod ang mga hindi ko kilalang artistang magiliw na sumasayaw at kumakanta sa palabas ni Kuya Germs: "WALANG TULUGAN"
hindi ako makapag focus sa pinapanuod, ang dami kasing tumatakbo sa aking isipan,
mga bagay na hindi ko maiwaglit, tila gustong kumawala, nagpupumilit lumabas mula sa aking kaloob-looban.
kinuha ko ang remote at pinindot ang button upang tumahimik ang paligid. naramdaman ko ang malamig na hanging nagmumula sa bukas na bintana at isinara ito. kumuha ako ng papel at panulat.
Tinignan ang kaputian ng blankong papel.
hawak sa kanang kamay ang panulat, "Sisimulan ko na ba ang pagkakalat ng tinta? "
matagal ko na itong hindi ginagawa, nakaramdam ako ng takot na may halong pananabik, pero mas nangingibabaw ang takot.
"Kaya ko pa kaya?"
"Paano ko ba sisimulan??"
sa tagal ng panahon, tila pumurol na ata ang aking kokote, hindi na ata ako marunong magsulat.
ang alam ko nalang ata gawin ngayon ay ang tumayo sa mall, mambola ng mga taong ngayon ko lang nakilala , manghabol at mangulit ng mga taong kay taas ng tingin sa kanilang mga sarili.
nasanay na ko sa ganitong tagpo. Magtatatlong taon ko na rin pala itong hanapbuhay. tinitiis ang panlalait ng mga mangmang, nagsasakripisyo para matupad ang mga pangarap,.
patibayan ng loob ika nga. Matira matibay! kailangan sumabay sa agos, patuloy na lumalaban sa laro ng buhay. binabaybay ang kapalaran, at nananatiling naka tayo't sinasalag lahat ng batong ipinupukol sa aking direksyon.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
ipinikit ko ang mga mata. yumuko at bumulong sa hangin; "Kaya ko ito!!" muling dumilat at nagpatuloy sa pagsusulat. Marahil dala lang siguro ng kalungkutan kaya ko nagkakaganito.
Ewan ko ba.. hindi ko maintindihan.
"Bakit?"
"Sino?"
"Ano?"
"Paano?"
"Kailan?"
"Saan?"
Ang daming tanong na tila
inabanduna na ng kasagutan.
"Bakit ito nangyayari?"
"Ano nga bang nagyayari?"
"Sinong lulutas?"
"Paano malulutas?"
"Kailan magiging okey ang lahat?"
"Saan ako magtatago?"
Tatawa? iiyak? o hahayaan ko nalang. Maglalakad o tatakbo?
Paikot-ikot lang ang buhay, nangyari na ito dati, walang pagkatuto. sisigaw, bubulong, lulundag, papalakpak at muling sisigaw "TULONG!!!" tatawa, iiyak, PAULIT-ULIT!!
Baliw, sira ulo, timang, kulang-kulang, nawawala sa tamang pag-iisip.
Pipikit, titingala, at magdarasal.
Hihingi ng tawad
Maguguluhan
Malilito
Papadyak ng tatlong beses at papalakpak
"Ano ba talaga ang nangyayari??"
Nagliwanag
At muling dumilim.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Tumahimik ang paligid
Tumingin sa relo.
"Maaga pa pala pasok ko bukas."
Oras na para ipahinga ang kanina pa lumilipad sa ere kong isipan.
Pinatay ko ang katol na kanina pa nalalanghap.
Ito marahil ang epekto..
Kung ano-anong pinagsasabi ko.
Time check: 12:38 AM
Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries