"Kaya ko kaya?" tignan natin kung kaya kong tapusin ang aking nasimulan. magtatagumpay kaya akong puksain ang adiksyong pinahintulutan kong magtahan sa akin ng mahigit pitong taon.
Matagal-tagal rin akong nagmistulang alipin ng basurang hinahanap-hanap ng aking katawan.
"Hit-hit... Buga..." nilalanghap ang usok na kumikitil sa buhay ng maraming tao sa buong mundo.
Tinatayang nasa 100,000,000 katao na ang pinatay nito sa nakalipas na siglo. at patuloy na kumikitil ng mga 6,000,000 buhay kada-taon o anim na tao kada segundo. at ayon sa mga awtoridad; kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, sa taong 2030 ay tataas ng mahigit 8,000,000 ang bilang ng mga mamamatay taon-taon dahil sa paninigarilyo at sinasabing sa pagtatapos ng ika-21 siglo mga 1,000,000,000 na ang mamamatay dahil dito. nakaka-alarma 'di ba? at alam niyo rin ba na hindi lang ang mga naninigarilyo ang biktima nito, gayundin ang 600,000 hindi naninigarilyo na namamatay bawat taon sa paglanghap ng ibinubugang usok. delikado rin kasi ang second hand smoke.
Pero paano kaya ito nagsimula at lumala ng ganito? kung ating titignan sa kasalukuyan tila wala na itong lunas, isa na kasi itong pang-globong epidemya, mahirap na magamot dahil sobrang nakaka-adik, mura at madaling makuha. halos lahat na ata ng kanto ay may mapagbibilhan nito ngayon. "Paano kaya ito malulutas?". marami ng ginawang hakbang ang gobyerno pero wala paring nagbago. mas lalo lang lumobo ng bilang ng mga naninigarilyo. at nakakalungkot isipin na ultimo mga bata at estudyante na sa murang edad palang ay natututunan na itong gawin..
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Mahirap talaga baguhin ang mundo lalo na't walang pagkaka-isa. pero kung bawat isa sa atin ay magbabago - paunti-unti; walang imposible.
Last time ng nag-church ako, nagkataong ito rin ang topic ni Pastor Dave, at sabi nga sa book of Corinthians. "Everything is permissible for me—but not everything is beneficial. Everything is permissible for me—but I will not be mastered by anything" (1 Corinthians 6:12). "Do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; you were bought at a price. Therefore honor God with your body" (1 Corinthians 6:19-20).
Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries