xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' MRB Diaries: Agosto 2011

Welcome to MRBDIARIES!

Lunes, Agosto 22, 2011

STAR CITY (Balik tanaw sa aking kamusmusan)

STAR CITY (Balik tanaw sa aking kamusmusan)

Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

August 21, 2011
11:25 Pm

Gutom ako pero walang ganang kumain, naka-ilang subo lang at hindi na inubos ang hapunang inihanda ni mama, tila hapong hapo ako at naubusan ng lakas dahil sa malayong binyahe kanina. Kakauwi ko lang kasama ang kapatid ko galing 'Philcite Bldg., CCP Complex Roxas Blvd., Pasay City' kung saan matatagpuan ang Lungsod ng mga Bituin “STAR CITY” na ilang ulit ko ng napuntahan (Nakakasawa na nga kung tutuosin) pero since meron kaming VIP Pass (Ride all you can) naki-ride'on na ko with my brother (Nathan) sakay ng 'Jayross Lucky Seven Tour Bus' tutal wala naman akong gagawin ngayong araw (Actually, every day naman akong walang ginagawa – dakilang TAMBAY eh!)

Marami akong baong masasayang alaala sa Star City, mula palang noong kabataan ko hanggang sa ngayong malapit ng bumalik sa pagkabata. Every field trip nalang kasi parating sa 'Star City' ang destination.

Masakit ang ulo ko ngayon, marahil dahil nalipasan ng gutom – Spicy Hongkong Noodles lang kasi kinain ko sa Star City. (This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Napagod lang ako ngayong araw, hindi naman ako nag-enjoy sa mga rides kasi hindi ko nasakyan ang pangarap kong “Surf Dance” masyado kasing mahaba ang pila – nakakabanas parang gusto kong pagtatagain lahat ng nakaharang sa daan kanina.
Gaya ng nakasanayan, si Peter Pan parin ang una kong binisita (Tradisyon ko ng maituturing) na-miss ko na kasi ang madilim na paligid habang ang damit at puti kong sapatos ay nagliliwanag dahil sa UV lights (Tulad ng dati, manghang-mangha parin ako) kung tutuosin hindi naman na angkop para sa edad kong pumasok pa sa mundo ni Peter Pan, pero sa tuwing na roon ako sa loob ay tila bumabalik ako sa pagkabata, na minsan rin akong napangiti at napaligaya nila Wendy, Tinkerbell at Captain Hook sa Neverland, minsan rin akong naniwala sa lumilipad na mga nilalang at mala-paraisong daigdig ng panaginip.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Kung patibayan lang ng loob – sige, inaamin kong panalo na kayo! Kahit siguro bayaran ako ng malaking halaga, hinding hindi at NEVER akong sasakay sa “Star Flyer” (Over my hot delicious dead body) baka himatayin pa ako sa takot, masyado kasing mataas, hindi ko rin kaya ang mabilis at makalaglag kaluluwa nitong pagbaliktad sa ere (Isipin ko palang, nasusuka na ako)

Mas gugustuhin ko pang paulit-ulit na pumila sa “Balloon wheel”, sigurado namang safe at maganda pa ang view (Tanaw ang buong Roxas Blvd.) less stress at nakaka-relax ang simoy ng hangin sa itaas. (Although medyo anxious rin ako) kasama ko naman ang kapatid ko kaya mas nakakabawas kaba.

May mga nagbago sa Star City, iyong “Wild River” na pinipilahan ko dati ng sobrang tagal, ngayon ay sarado na! Bawal ng sakyan pero nandoon parin, mayroon kasing binawian ng buhay matapos tumayo habang bumubulusong paibaba ang sasakyan (Anak ng teteng! Suicide ba iyon o Trip lang niyang umagaw ng eksena? well.. natupad naman ang gusto niya, kasi pinag-usapan siya ng buong madla at binalita sa TV, Radio at naidiyaryo pa, instant Fame!) ang ipinagtataka ko lang ay matagal naman na iyong nangyari, pero bakit hindi parin nila iyon ginigiba at tinatayuan ng panibagong ride? – 'Yung mas WILD parang JERSEY SHORE (Season 4) At 'yung “Lion King” binago na nila, ginawa ng “Pirates Adventure” (Same location)
Malakas ang loob namin ng kapatid kong dumalaw sa “Gabi ng Lagim”, palibhasa'y magkasama kaming dalawa. Habang pumipila palang ay medyo nag-dadalawang isip na akong tumuloy (Pero hindi ko pinapahalata) ng tuluyan na kaming nakapasok sa loob, isa lang ang naging reaksyon ko mula Entrance hanggang Exit – BORING! ni isang balahibo hindi ako tinayuan, napaisip tuloy ako bigla; “Iyon na 'yon?” mas nakakatakot pa 'yung decorations sa labas kumpara sa loob, hindi rin ako nagulat sa mga mechanical ghost nilang wala sa tiyempo (Nakalampas na kami bago sila nagsisilitawan) mas masarap pang mangonyat ng mga nag-iinarteng tao sa loob (O.A kung makatili, akala mo ginagahasa ni Kamatayan – karitin ko sila eh) siguro nga hindi na rin angkop ang edad ko para sa Gabi ng Lagim.

Mahigit isang oras rin kaming pumila ng kapatid ko sa ride na tawagin nalang nating “Rocket ship” (Hindi ko alam kung anong tawag roon, basta parang mini roller coaster) pero wala pang 10 minutes kaming umikot-ikot.


Ibat ibang rides ang makikita sa Star City – halos lahat nakatutuwa, mayroong pambata, pati rin para sa mga teenager, at siyempre pang matatanda gaya nila. *Smiley* lahat nilikha para mag-enjoy at subukan ang kakayahan ng mga tao, pero higit sa lahat ginawa iyon para panandalian tayong makalimot sa ating mga problema. TUNAY NGANG MASARAP MAGING BATA, Pero hindi parin ako sang-ayon sa paaralang ginaganap ang lakbay aral sa mga amusement park gaya ng Enchanted Kingdom, Star City, Story Land, Circle of Fun at marami pang iba (Wala na akong maisip bukod sa Disney Land)

Aminado akong noong kabataan ko'y tuwang-tuwa ako pag-sinasabi ng guro na sasakay kami sa “Mary'go'round” at “Caterpillar” pero ang tanong; “Paano iyon naging EDUCATIONAL?” Simpleng Trip lang iyong matatawag kung ganun; gaya ng magbabarkadang sumasakay ng 'Peris'wheel' sa Peryahan.

Suot ko parin hanggang ngayon ang Ride all you can Bracelet na may naka-sulat na; “STAR CITY. Non Transferable / Not valid if VIP tag is broken and / Or serial no. is tampered: 1959641”
Memorable itong araw na ito, nagbalik kasi lahat ng masasayang alaala ko noong kabataan sa parehong lokasyon,
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Sana sa susunod, DISNEY LAND experience naman ang i-kukwento ko sa inyo.. Hawak kamay tayong lahat na mangarap, na gaya ni Peter Pan ay makakaya rin nating lumipad hindi man sa totoong buhay at himpapawid, posible naman sa ating mga panaginip.. Goodnight everyone, I'm so tired! Thanks for keeping in touch.. Love lots!


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 


comments

10 Tips on how to forget someone (Moving on process)


PRIVATE!


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

comments

Share your best moment with Jollibee (TAMPO)


PRIVATE!


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

comments

Glee Season 3 (Glee project winner!!!)


PRIVATE!

Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

comments

E-mails from my Subscribers (BOB ONG Fanatics)

August 12, 2011

PRIVATE POST


PRIVATE!


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 


(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

comments

Biyernes, Agosto 12, 2011

ANG PULANG PANYO



PRIVATE


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
comments

Martes, Agosto 9, 2011

ALCOHOL STATE OF MIND (Tanduay Ice Moments)


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

comments

Linggo, Agosto 7, 2011

Wisdom Water (WIII – Special water for aspiring writers)


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

comments

TGP – Anniversary One Venue! One Celebration!

TGP – Anniversary
One Venue! One Celebration!


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 


Kaka-log out lang ng facebook account ko, ilang buwan na rin akong tambay lang sa bahay matapos gumradute sa college nitong taon ring ito (2011) kaya ngayo`y inuubos ang oras sa kaka-internet. habang naka-online kanina ay hindi ko maiwasang hindi tignan at i-download ang mga lumang larawan kung saan pare-parehas kaming mga naka-pula; may iisang desenyo at pagkaka-imprenta ng damit; sa kaliwang manggas nakasulat ang salitang “UST” at sa kanan naman mababasa ang “PMI”, sa harapan makikita ang gintong utos na mariin naming sinasapuso; “Treat others as you would have them treat you..” lahat ng letra ay pareparehong naka-imprenta sa kulay dilaw na tinta at may font style na “Old English Text MT” habang sa likuran naman nakalagay ang salitang “PALMERA COMMUNITY CHAPTER” kasunod nang aming logo. Na-inspired tuloy akong magsulat matapos itong masilayang muli. (This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Makikita sa larawan ang mga mukhang hindi kakikitan ng ano mang bahid ng kalungkutan, animo`y sobrang espesyal na araw dahil lahat ay masayang pinagdiriwang ang ika-apat'napo't dalawang anibersaryo ng aming kapatiran – ang Triskelion Grand Fraternity. Kinunan ang lahat ng mga larawang ito `nung October 04, 2010. ang pinaka-sagradong okasyon ng mga tunay na lion, masasabi kong isa iyon sa mga pinaka masayang kaganapan sa aking buhay – ang makilala at makamayan ang mga Brod at Sis na nagmula pa sa iba`t ibang panig ng pilipinas, national reunion ika nga! Pero bukod pa roon ay nakatutuwa ring gunitahin ang mga sandaling papunta palang kami sa 'Cuneta Astrodome' kung saan ginanap ang event, sakay ng pampasadang jeep – dalawa ang inarkela namin dahil masyado kaming marami kaya hati sa dalawang grupo kaming naglakbay habang pinagsasaluhan ang pabago bagong bugso ng panahon. Blessing ang ulan, sinabayan nalang namin ng malakas na pagsigaw ng; “Ariba! Ariba! Ariba TAU GAMMA!!” ng paulit-ulit hanggang sa mapaos kami parepareho.

Dahil sa layo ng biyahe, hindi maiiwasang hindi tumirik ang aming kakarag-karag na sasakyan, dahilan para lumabas ang ilan upang itulak ito – awa ng four founding fathers, after 1968 years ay nakarating rin naman kami ng maayos at naka-abot pa bago magsimula ang opening prayer, maganda rin naman ang puwesto namin sa bandang itaas.. medyo napa-iyak pa nga ako ng sama-sama na kaming umaawit ng 'Triskelion Song' samahan pa nang sabay-sabay na pagpalakpak ng kamay.

TGP 42nd Aniv.
“One Venue! One Celebration!"

Sampung buwan na ang nakararaan mula nang araw na iyon, napakarami naring mga hindi inaasahang pangyayari ang naganap, kaya nga heto ako ngayon at muling binabalikan ang nakaraan. Tanging ang pagluha nalang ang maaari kong magawa sa pagkakataong ito, sino bang may gustong malayo sa mga mahal niya sa buhay? `Diba wala naman? parang ganoon rin ang sitwasyon, kaya nalulungkot ako dahil hindi na mababalik sa dati ang lahat, isa nalamang itong masayang alaala ng kahapong lumipas.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Napansin niyo bang naiiba ang frat-shirt namin? – simple lang at kulay pula pa, kadalasa'y itim ang ginagamit ng ilan kaya hindi na namin ginaya, masyado na kasing maraming ganun! Kahit sino nalang nagsusuot ng frat-shirt na itim, minsan nga napapa-isip ako kung bakit kaylangan ganoon , required ba `yon? Kasi napansin ko sa loob ng Cuneta Astrodome karamihan ay naka-itim, mayroon rin namang mga Chapter na nakasuot ng pula gaya namin at meron ring mga iilang naka kulay puti. Pero `diba dapat masayang pinagdiriwang ang Aniv kaya mas appropriate kung red. Pero sabagay, kanya-kanyang style naman `yan. 















Dalawang buwan nalang ay nalalapit na ang 43rd Anniversary.. Sana`y magawa kong makabisita sa Palmera kahit hindi na ako active. Nasa puso ko parin naman ang pagiging Triskelion. Hindi na iyon magbabago kahit kailan!

01:22 Am – August 03, 2011

Related Post: Pitong Lion (Buhay Triskelion)


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

comments