xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' MRB Diaries: Gayuma

Welcome to MRBDIARIES!

Miyerkules, Hunyo 15, 2011

Gayuma



GAYUMA

July 20, 2011

Sa panahon ngayon, meron pabang naniniwala sa kapangyarihang taglay ng gayuma? Sa simpleng pag-gamit ng mga bagay at paghahalo halo nito samahan pa ng konting orasyon ay maaari ng mapa-saiyo ang taong iniibig mo, pero masasabi ba nating epektibo at ligtas ito?

Hindi lahat ng gayuma ay pinahihintulutang gamitin, meron kasing nakasasama sa katawan at maaring mauwi sa kamatayan, ganun ang nangyari sa kakilala ko, dalawang taon na ang nakararaan, pinainom sya ng alak na inurasyonan at nilagyan ang katas ng gumamela, matapos nun ay hindi pag-ibig ang naisukli sa kaybigan ko, kundi labis na kalungkutan dahil pumanaw ang lalakeng kanyang ginayuma, hindi ko alam kung saan nya nalaman ang pagbuo ng lason este inuming iyon (parehas lang naman) ang alam ko lang eh, nakulong sya matapos kong tumistigo laban sa kanya (Hindi kasi ako maka-tulog) naintindihan naman nya yung ginawa ko at tinanggap ang kaparusahang nararapat para sa kanya – hindi rin naman nya yun ginusto, nalaman kong hindi lang pala bulaklak ang nilagay nya sa inumin, hinaluan din pala nya ito ng kanyang sariling laway, bagay na labis na nagpa-suka sa akin matapos marinig ang kanyang kwento..

sa isip isip ko, “Bakit kasi hindi ka nalang saken nag-paturo? Yan tuloy nakulong kapa..”

hindi ninyo naitatanong eh meron akong ligtas at madaling paraan nang pagbuo ng isang epektibong gayuma,
kung nalaman ko lang na may pagtingin pala yung kaybigan ko kay #&^*%*, edi sana ako pa mismo ang nagturo sa kanya ng mga dapat gawin.. wala sanang pumanaw at wala sya sana ngayon sa loob ng rehas.

Ikaw? Gusto mo bang matutunan ang gayumang nalalaman ko?

Meron kabang ninanais na lalake o babae?
Mahal mo ba sya higit kanino man? (Except family)
Gusto mo ba syang halikan? Pinapangarap mo bang mahawakan ang kanyang mga kamay at ipag-sigawan sa buong mundo na nag-mamahalan kayong dalawa?
Parati ba syang laman ng iyong isipan? At dumadalaw sa iyong mga malalaswang panaginip? Para kabang natutunaw sa tuwing nginingitian ka nya? Marinig mo lang ang kanyang boses tila lumulutang kana sa ere?
Pero wala kang lakas ng loob para magtapat sa kanya o kaya nama'y meron syang ibang minamahal? Binasted kanaba nya o matalik lang kayong magkay-bigan? Ayaw nya ba sayo?

Kung meron kang mga ganyang sinyales, ay kaylangan ko nga sayong ibahagi ang aking nalalaman,
isa itong sekretong ritwal mula sa aking source (wag nyo ng alamin kung sino) nasubukan ko na rin ito at masasabi kong mabisa, pero hindi pang matagalan.. kapag meron kang nilabag na utos maglalaho ang bisa ng gayuma (promise!)

handa kanabang malaman ang mga sangkap?

Kinakailangan mo lang ng;

*Pitong hilaw na bunga ng makopa (kahit anong sukat)
*Mga lumang barya (kahit anong currency basta hindi na pwedeng ipambili sa tindahan)
*Kulay itim na kandila (Yung hindi pa nasisindihan)
*Bond paper
*Isang yardang itim na tela o ribbon
*At basket na walang laman.

- kapag na kolekta mo na ang lahat ng mga ito, HANDANG HANDA KANA!

PAUNAWA: ANG LAHAT NG MGA MABABASA NINYO AY PAWANG KATOTOHANAN, HINDI KO PINIPILIT ANG SINO MANG SUMUNOD SA AKIN, NASA TAO NA MISMO KUNG SUSUBUKAN BA NYANG GAWIN O HINDI.

1. Unang hakbang, siguraduhin mo munang magka-kilala kayong dalawa, kaylangang alam mo ang buong pangalan nya at alam rin nya dapat ang buong pangalan mo (Pati middle name)
mahalagang kilala nyo ang isat isa para meron na kayo agad ugnayang dalawa.

2. Ilagay mo sa loob ng basket ang pitong makopa, pagkatapos ay itago mo na ito sa ilalim ng iyong kama bago matulog.

3. Sa unang gabi, Pag-patak ng alas dose ng madaling araw, bigkasin ang mga salitang; “Olbayo Nil Ostres satani kesto Mamahalin mo ko (Buong pangalan ng iniibig)” ulitin ng pitong beses.

4. Pagkagising sa umaga (6:00 – 10:00 Am) sindihan ang itim na kandila at sunugin ang itim na ribbon habang binibigkas ang mga salitang; “AKIN KA LANG (Buong pangalan ng iniibig)” hanggang maubos ang isang yardang laso.

5. Matapos nun ay ipunin ang lahat ng naiwang kalat (Tunaw na kandila at mga abo) ibalot sa malinis na bondpaper at ilagay sa loob ng basket kasama ng mga makopa.

6. Sa pangalawang gabi, Pag-patak ng alas tres ng madaling araw, bigkasin muli ang mga salitang; “Olbayo Nil Ostres satani kesto MAMAHALIN MO KO (Buong pangalan ng iniibig) ulitin ng pitong beses.

7. Pag-gising kinabukasan, makipag-kita ka sa kanya, ilaglag mo sa harapan nya ang mga lumang barya, kung ano lang yung damputin nya yun lang yung kukunin mo (Iwan mo na sa lapag yung mga hindi naman nya nahawakan, kahit isa lang ay pwede na) TANDAAN: “Wag kang mag 'thank you' sa kanya!”

8. Pag-uwi sa bahay, ilagay mo sa basket ang barya at hayaan lang ito sa ilalim ng kama.

9. Sa pangatlong gabi, matulog kalang ng maayos..

10. Kina-umagahan, kunin ang katas ng mga makopa at ilagay sa baso (WAG MONG IINUMIN!) ibuhos mo lang ito sa lupa habang binibigkas ang mga katagang; “Olbayo Nil Ostres satani kesto MAMAHALIN MO KO (Buong pangalan ng iniibig) kahit ilang beses.

11. Pag-nagkita kayong dalawa, ibigay mo sa kanya ang barya – kapag tinanggap nya ng hindi manlang nagtatanong kung para saan iyon– ibig sabihin tumalab ang orasyon at pwede mo na syang halikan kahit anong oras at gagawin nya lahat ng naisin mo.. pero hindi nya pwedeng mawala ang baryang iyon dahil mawawala rin ang bisa ang gayuma. bawal kana ring magsabi ng 'Thank you' o 'Salamat' kahit kanino.. (RULE IS A RULE)
Kapag hindi naman nya tinanggap o kaya nama'y nagtanong sya, pasimple mo nalang itong ihalo sa kanyang gamit ng hindi nya nalalaman.. (Ilagay mo sa bag nya o kaya sa ilalim ng kanyang kama)

NOTE: Tumalab ito sa akin ng isang linggo lang.. nawala nya kasi yung baryang binigay ko kaya naghiwalay din kaming dalawa.. kapag nasubukan mo na ito sa isang tao, hindi mo na ito pwedeng ulitin pa sa iba.. at kapag nag-laho na ang bisa, lalayuan ka na nya at maaring masira ang pagkakaybigan nyong dalawa.. mas mabisa kung ilalagay mo nalang sa loob ng kuwarto nya yung barya para hindi mawala, pero lagi mong tatandaan na bawal ka ng mag-pasalamat..

BABALA: SIGURADUHING TAMA ANG PROSESONG GINAWA MO DAHIL KAPAG MAGKA-MALI KA KAHIT KONTI LANG, MARAMING MANGYAYARING MASAMA SAYO!!
*Kaya kung ako sayo! Wag mo na lang itong subukan.. maraming pwedeng mangyari..*
comments
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...