xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' MRB Diaries: Smartmatic (PCOS Technician)

Welcome to MRBDIARIES!

Martes, Hunyo 7, 2011

Smartmatic (PCOS Technician)

“Smartmatic”
(PCOS Technician)

Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

Year 2010 ginanap ang first Automated election sa pilipinas. Marami ang nagtaas kilay sa mga pagbabago sa nakasanayan nang proseso nang pagboto.
Marami ang hindi nagtitiwala sa paggamit ng ‘PCOS machine’..

PCOS machine or “Precinct Count Optical Scanner” was designed to scan marked paper ballots, interpret the voter marks, tabulate each vote, generate reports, transmit the results and store safely each ballot and digital data.
All PCOS physical enclosure is made up of injected molded plastic. Its base plate is produced from aluminum sheet stock. This makes its robust, lightweight, and high stiffness.
The said Firmware is also called as “SAES1800” by Smartmatic Corporation, It has 14 parts; The Security key receptacle, Ballot entry slot, Administrator access compartment input, Poll worker access compartment input, Cast button, Return button, Transmission Port, LCD screen with counter, Ballot exit slot, Ballot diversion slot, AC Power port (20VAC), Reset button, and Battery Power port.
It also has “iButton Security key” used to access the administrative options or change the mode of operation such as for open voting and re-zero,
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Paano ko `to nalaman lahat? Simple lang.. dahil isa akong ‘PCOS Technician’ .. nakakagulat ba na ang isang estudyante ay magiging Technician ng makinang gagamitin sa pambansang eleksyon?

Pinili ang mga natatanging estudyante (Naks!) mula sa iba't ibang paaralan sa buong pilipinas. Masuwerte ako dahil isa ako sa mga napabilang sa kasaysayan ng bansa.
Hindi madaling maging Technician.. at hindi rin ganun kadali ang pinagdaanan ko bago makapasa sa nasabing trabaho.. dumaan kami sa napakaraming proseso. Buong araw na seminar, tinuro nila ang lahat ng mga puwede naming malaman tungkol sa PCOS machine.. kung paano ito gumagana at kung paano ito gamitin.. maging ang mga parte nito ay kinailangan rin naming kabisaduhin.. mula umaga hanggang hapon. At lahat ng mga applicants ay kinakailangang mag-exam, para malaman kung sapat na nga ba ang aming kaalaman at kung karapat dapat ba talaga kami..
Kasama ko ang dalawa sa aking mga kaklase, sila Jason Vila at Jessica Diaz.. tatlo kaming sumubok na mag-apply.. pero dalawa lang kami ni Jason ang nakapasa sa pagsusulit,
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Wala sana akong balak na umatend sa Seminar na `yon, para kasing hindi ko kaya maging Technician… wala pa akong experience sa kahit na anong uri ng trabaho kaya natatakot akong baka hindi ko lang magampanan ng maayos. Masyado iyong mabigat para sa katulad kong estudyante lamang.. iniisip ko na sa akin nakasaalang-alang ang malinis at payapang daloy ng gaganaping election.. pero tinuloy ko parin dahil medyo may kalakihan naman ang suweldo. Sayang kung palalampasin ko ang pagkakataon, gayong wala pa rin naman akong karanasan magtrabaho.

Napakaraming meeting ang pinapatawag ng 'Placewell Agency' at ang venue ay laging sa Quezon city hall, malayo para sa tulad kong tiga Bulacan. Bumabiyahe ako gamit ang sarili kong pera pamasahe, pero ibinabalik rin naman `yon ng Placewell pagdating sa meeting place. Mayroon kaming allowance na minsan ay sumusobra pa..

Pagkakuha ko ng aking allowance, kinabukasan ay pinuntahan ko na ang School kung saan ako magtatrabaho.

Ang Manuel L. Quezon Elementary School.
MRB compound, Pilot Area Commonwealth Quezon City.


May 05, 2010, maaga akong gumising upang magtungo sa aking polling center.. halong kaba at excitement ang naramdaman ko, unang beses kasi akong haharap sa principal ng school at magpapakilala bilang “Smartmatic Representative at PCOS technician”.
Kaagad naman akong pinapasok ng Guwardya.. sinabi ko lang na ako ang magrerecieve ng mga Machines at Ballot boxes..
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

Sinabi sa akin ng Supervisor ko na ngayong araw ide-deliver ang mga machines kasama ang dalawang ‘Memory Card- isang Back-up at isang Main’ sobrang tagal kong nag hintay, hindi ako maaring umalis dahil ako lang ang puwedeng magreceive ng mga PCOS.. masyadong confidential ang transaksyong iyon, dahil iniiwasan rin na magkadayaan,

Inabot na `ko ng hapon, wala paring dumarating ni isang PCOS.. minabuti ko munang maglibot-libot sa paligid ng paaralan..

Hindi maikakailang isa iyong public school para sa mga elementary. Makikita sa bawat gilid ng gusali at pader ang mga pambatang murals, meron rin silang malaking Gym kung saan ginaganap ang mga educational events. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlo ang mga buildings nila at isang ginagawa pa lang. Malinis naman ang kapaligiran, makulay ang loob ng bawat classroom, at nakabibilib na hindi marumi ang kanilang mga palikuran.

Naikot ko na ang buong school, pero hindi parin dumarating ang mga magde-deliver ng PCOS Machines..

Makalipas ang ilang oras, tinawagan ako ni Sir. Niel, sinabi niya sa akin ang masamang balitang kinansela ng COMELEC ang pagde-deliver sa lahat ng PCOS machines sa lahat ng paaralan sa Metro manila, nagkaron kasi ng problema tungkol sa mga ‘Memory card’ na nilagay sa loob ng mga PCOS. Sayang ang effort ko..
Bumalik nalang raw ako bukas..
Kaya iyon nga ang ginawa ko. Maaga ulit akong gumising kinabukasan para maagang makarating sa parehong lokasyon.
Dumating ako ng 6:00Am, at muling pinapasok ng Guard na mukha talagang sintu-sinto..

10:30 Am, dumating rin ang inaantay ko..
Ang Cargo Track ng ‘Germalin Enterprises incorporated’, with Army Convoy..
Hindi na `ko nagtaka kung bakit meron itong kasamang mga sundalo, dahil 7 PCOS machines na nagkakahalagang PHP200,000 kada isa ang laman ng cargo track..

Papasok palang sila sa gate ay naririnig ko na ang sigaw ng isa sa mga sundalo..
“Asan si MOISES BALTAZAR??” paulit-ulit niyang sigaw.

Muntik akong magtago sa takot dahil may dala silang mga Baril..

Binuhat na nila ang lahat ng mga kahon at nilagay sa loob ng Principal’s Office.
Lumapit ako para i-check kung kumpleto ang lahat ng mga dapat na nilalaman ng box. At kinopya ko ang mga Serial numbers ng bawat PCOS machines..

Naramdaman ko ang mabigat na responsibilidad nang pinapirma nila ang napakaraming Receiving copy.. lahat kasi ay nakapangalan sa akin.. in-case na may mangyaring masama sa mga PCOS machines, tulad ng pagkawala o pagkasira ay ako lang naman ang mananagot. kung susumahin pagnawala ang 7 PCOS ito ay aabutin sa halagang PHP1,400,000 at wala akong ganung halaga pambayad, mabuti nalang ay naiwan ang dalawang sundalo, sila ang magbabantay at makakasama ko ng ilang araw..

May 07, 2010, muli akong bumalik sa school na iyon para antayin ang pagdeliver sa mga Ballot Boxes.. bakit kasi hindi nalang nila isinabay sa mga PCOS.
Matagal ulit akong nag-antay. Mula 6:00Am hanggang 2:00PM. walang dumating..

Nakakainis talaga.. inindiyan nanaman ako ng Germalin.

Kinabukasan, May 08, 2010 .. sinadya kong gumising ng tanghali para naman makaganti ako dahil lagi nalang nila akong pinaghihintay. 8:00 Am tinawagan na ako nang driver ng ‘Germalin enterprises’.. nasa polling center na raw sila bitbit ang mga Ballot boxes na kahapon ko pa inaantay..
Nasa bahay palang ako, hindi pa naliligo at tinatamad pumasok sa trabaho..
Hindi ako nagmadali, gusto kong maramdaman nila kung paano maghintay ng sobrang tagal
Nakarating ako ng 12:00 Pm. Nag-sorry ako sa kanila, sabi ko traffic.

Binilang ko ang mga Ballot Boxes.. tinignan kung kompleto ang lahat ng mga parte nito at muling pinirmahan ang sandamakmak na papeles..

Matapos `nun ay tumambay muna ako sa guard house kung saan nakabantay ang dalawang sundalo, nakipagkuwentuhan muna ako sa kanila, mababait at masaya silang kasama.

Kahit papaano ay meron akong mga nakaka-usap na matino.

Nakakalungkot pala `tong trabahong napasukan ko.
Hindi ako puwedeng magday-off kahit isang araw lang..

May 09, 2010.
Birthday ko. Pero nasa polling center ako para gampanan ang nasumpaan kong tungkulin. Maaga akong dumating sa paaralang `yon para simulan ang “Testing and sealing day”.. hindi pa ito ang election, pero kinakailangan ng gawin ang actual na pagboto gamit ang PCOS machines, susubukan kung gagana ito sa tulong ng mga B.E.I. Nga pala, nasabi ko nabang sa buong “Manuel L. Quezon Elementary School” na mayroong 7 PCOS machines ay ako lang mag-isa ang na-assign bilang technician? Take note: 7 Machines.. 7 Rooms.. Thousands of Voters.. Versus Only 1 Technician!


Magpapaka matay ba `ko? Dumagdag pa ang mga nakakabuwiset na watchers. Dinadagdagan nila ang trabaho ko. Hindi ko naman na responsibilidad na sagutin lahat ng mga tanong nila, lagi silang nakaharang sa daanan, dumating pa sa puntong tinatarayan ako ng ilan sa kanila.
Testing and sealing day palang pero hirap na hirap na ako.. lalo na kaya sa election day na mas maraming tao ang magdadagsaan. sa sobrang hirap ng trabaho at sobrang init ng panahon, biglang dumugo ang ilong ko at sumuka ng dugo sa harapan ng mga sundalong ka-usap ko. Nagulat sila, mabuti at inasikaso nila ako ng maayos. akala ko ay iyon na ang magiging last birthday ko..
Tinuloy ko parin ang pag-test sa mga machines kung maayos itong gumagana. Sinunod ko ang protocol na binigay sa akin ng aking Supervisor na kilometers away sa kinaroroonan ko.. magka-contact lang kami sa cellphone, in case na may problema ay tinatawagan ko siya, awa ng Diyos ay lagi naman niya akong sinasagot ng; “Kaya mo yan!!” malaki ang naitulong ng mga salitang `yon..Grabe!!

Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang libo-libong mga botante.. parang gusto ko ng mag-backout , tila nawawalan na ako ng lakas ng loob para lumaban..

Kinabukasan, May 10, 2010 Ito na ang araw ng totoong pagboto. Ang araw na kinatatakutan ko. Ang First Automated Election sa buong kasaysayan ng bansang Pilipinas! *Tumayo ang mga balahibo ko* --promise!

Maaga ulit akong gumising, actually hindi nga ako nakatulog dahil sa kaba at excitement. Iniisip ko kung anong mga puwedeng mangyari..
Nagkaron muna kami ng final meeting sa Quezon city Hall bago magtungo sa mga polling center namin. Pagkatapos ay bumyahe na ulit ako papunta sa School na huling beses ko ng masisilayan.

7:00 Am ako nakarating. Kumpleto na ang mga BEI’s at unti-unti nang nagdadatingan ang mga botante. Si Madam Principal ay kinakabahan na, pero mas kinakabahan ako, inisip ko nalang na “This is it… bahala na si Batman!!”

Bawat isang classroom ay may isang PCOS.
Ang 7 Machines ay hiwahiwalay ng kuwarto. Napaisip tuloy ako, paano kung sabay-sabay iyong masira?, sino uunahin kong ayusin? lalo akong kinabahan..

Makalipas ang ilang sandali ay binuksan na ang opisyal na botohan..
“Open Voting” na.. so far wala pa namang nagiging problema..

Nakatambay lang ako sa Principal’s Office , kumakain. Nanunuod ng TV.. at nakikipag kuwentuhan sa mabait na Principal. Akala ko ganoon nalang matatapos ang araw na `yon,

Wala pang isang oras ay nagkaron na kaagad ng problema ang isa sa mga PCOS Machine .. kaya madali akong nagtungo sa room na iyon dahil nagkakagulo na ang mga tao.. 'Paper Jam Error' ang naging problema, madali ko naman itong nasulusyunan at napakalma ang mga natarantang B.E.Is



Hindi pa natapos roon ang problema, nasundan pa ito ng sunod sunod.. walang hinto at walang katapusang ‘Paper Jam Error’

Takbo ako ng takbo, binabangga ko na lahat ng mga humaharang sa akin. Minsan kasi ay nagkakasabay-sabay ang pag-error.

Sobrang pinagod ako. kung nakita niyo lang ang kalagayan ko noong mga sandaling iyon, ay talagang maaawa kayo sa akin, dahil hapong-hapo na ako kakaakyat panaog sa hagdanan, nakikipag tulakan pa ako sa mga taong nakapila, at hinaharang pa ako nang mga watchers para interviewhin. Masasabi kong nakakabaliw maging Technician.. Oo, totoo!

Inakala ko na puro “Paper Jam” lang ang magiging problema.. madali lang kasi itong ayusin.. pero mali nanaman ako ng akala. Maya-maya pa ay ibang problema naman ang labis na nagpahirap sa akin. Bigla kasing nag-power down ang isa sa mga Machines.
Umiiyak na `ko pero hindi ko talaga maayos. pinagtitinginan na ako ng mga watchers at nagagalit na ang mga botante dahil sobrang humahaba na ang kanilang pila.

`Yung iba nga ako pa ang sinisisi sa nangyari, at ang iba naman'y nagpaparinig na bakit hindi ko maayos at wala raw ata akong alam. Nasaktan ako pero tama naman sila, hindi ko talaga alam kung anong gagawin. Sinubukan kong tanggalin ang 'Backup Memory Card' maraming nagreklamo, bakit raw tinatanggal ang Memory card ng machine.. nagkakadayaan na raw. Umalma na sila , at ina-akusahan akong binabago ko raw ang mga boto. Pero kumalma rin sila `nung maayos kong pinaliwanag na sadyang inaayos ko lang at ginagawa ang lahat ng paraan para muli na silang makaboto ng maayos.

Awa ng Diyos, nakahinga rin ako ng maluwag nang nakita kong gumagana na ulit ang punyemas na PCOS machine, akala ko ay hindi ko na magagawan ng paraan.. Mabuti nalang at hindi ako pinabayaan ng Diyos. Umiiyak na kasi ako nang mga sandaling iyon..




Marami pang mga sumunod na error tulad ng;
“Misread Paper error”
“Ambiguous marking”
“Invalid Ballot”
“Power down”
At walang kamatayang ‘PAPER JAM ERROR’

Lumipas ang ilang oras at ang mahigit Seven Thousand Voters ay unti-unti na ring naubos. Kumonti na rin ang tao at nakakapaglakad na `ko ng walang nababangga..

Oras na para sa pagta-transmit ng mga resulta.
Nahirapan ako dahil mahina ang signal sa lugar na `yon. Hindi maitransmit ang mga votes sa para malaman nila ang resulta nang buong araw na botohan.
Sa pitong sinubukan kong i-transmit ay dalawa lang na maayos na naipadala. habang ang natitirang lima naman ay sa Quezon City Hall nalang i-ta’transmit.

--Sinong mag-aakala na magagawa kong maka-survive sa pagiging Technician?
Maging ako ay hindi makapaniwala. Ang hirap pala magtrabaho para kumita ng pera!

Matapos ang pagkuha sa mga Ballot Boxes ay tuluyan ko ng iniwan ang paaralang naging tahanan ko na nang ilang araw. Naging imosyonal ang pagpapa-alam ko sa mga mabubuting tao na nakatrabaho ko sa lugar na iyon.

Mamimiss ko ang maliit pero magandang paaralang nagpamulat sa akin ng tunay na kahalagahan ng kahit isang boto, pati na ang dalawang sundalo na nagbigay sa akin ng proteksyon, at palagi ko ring maaalala ang kabutihang loob ni Madam Principal.

Umalis ako bitbit ang aking mga natutunan at karanasang hindi ko makakalimutan magpakailanman.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Nakuha ko ang buong suweldo ko gaya ng nakalagay sa kontrata. Sulit ang lahat ng aking paghihirap. Ito ang kauna-unahang suweldo na natanggap ko sa buong buhay ko. Sobrang saya!


Salamat sa ‘Placewell Agency at Smartmatic Corporation’ para sa napaka memorable na experience na naranasan ko..
-Ginawa ko iyon lahat para sa malinis at patas na election. MABUHAY ANG BANSANG PILIPINAS!!

Congrats narin sa ating bagong pangulo,
President. Benigno “P-noy” Aquino Jr.

Masasabi kong, Tagumpay ang Election 2010.. isa itong magandang simula para sa maunlad na pagbabago.


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

comments