STAR CITY (Balik tanaw sa aking kamusmusan)
August 21, 2011
11:25 Pm
Gutom ako pero walang ganang kumain, naka-ilang subo lang at hindi na inubos ang hapunang inihanda ni mama, tila hapong hapo ako at naubusan ng lakas dahil sa malayong binyahe kanina. Kakauwi ko lang kasama ang kapatid ko galing 'Philcite Bldg., CCP Complex Roxas Blvd., Pasay City' kung saan matatagpuan ang Lungsod ng mga Bituin “STAR CITY” na ilang ulit ko ng napuntahan (Nakakasawa na nga kung tutuosin) pero since meron kaming VIP Pass (Ride all you can) naki-ride'on na ko with my brother (Nathan) sakay ng 'Jayross Lucky Seven Tour Bus' tutal wala naman akong gagawin ngayong araw (Actually, every day naman akong walang ginagawa – dakilang TAMBAY eh!)
Marami akong baong masasayang alaala sa Star City, mula palang noong kabataan ko hanggang sa ngayong malapit ng bumalik sa pagkabata. Every field trip nalang kasi parating sa 'Star City' ang destination.
Masakit ang ulo ko ngayon, marahil dahil nalipasan ng gutom – Spicy Hongkong Noodles lang kasi kinain ko sa Star City.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Napagod lang ako ngayong araw, hindi naman ako nag-enjoy sa mga rides kasi hindi ko nasakyan ang pangarap kong “Surf Dance” masyado kasing mahaba ang pila – nakakabanas parang gusto kong pagtatagain lahat ng nakaharang sa daan kanina.
Gaya ng nakasanayan, si Peter Pan parin ang una kong binisita (Tradisyon ko ng maituturing) na-miss ko na kasi ang madilim na paligid habang ang damit at puti kong sapatos ay nagliliwanag dahil sa UV lights (Tulad ng dati, manghang-mangha parin ako) kung tutuosin hindi naman na angkop para sa edad kong pumasok pa sa mundo ni Peter Pan, pero sa tuwing na roon ako sa loob ay tila bumabalik ako sa pagkabata, na minsan rin akong napangiti at napaligaya nila Wendy, Tinkerbell at Captain Hook sa Neverland, minsan rin akong naniwala sa lumilipad na mga nilalang at mala-paraisong daigdig ng panaginip.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Kung patibayan lang ng loob – sige, inaamin kong panalo na kayo! Kahit siguro bayaran ako ng malaking halaga, hinding hindi at NEVER akong sasakay sa “Star Flyer” (Over my hot delicious dead body) baka himatayin pa ako sa takot, masyado kasing mataas, hindi ko rin kaya ang mabilis at makalaglag kaluluwa nitong pagbaliktad sa ere (Isipin ko palang, nasusuka na ako)
Mas gugustuhin ko pang paulit-ulit na pumila sa “Balloon wheel”, sigurado namang safe at maganda pa ang view (Tanaw ang buong Roxas Blvd.) less stress at nakaka-relax ang simoy ng hangin sa itaas. (Although medyo anxious rin ako) kasama ko naman ang kapatid ko kaya mas nakakabawas kaba.
May mga nagbago sa Star City, iyong “Wild River” na pinipilahan ko dati ng sobrang tagal, ngayon ay sarado na! Bawal ng sakyan pero nandoon parin, mayroon kasing binawian ng buhay matapos tumayo habang bumubulusong paibaba ang sasakyan (Anak ng teteng! Suicide ba iyon o Trip lang niyang umagaw ng eksena? well.. natupad naman ang gusto niya, kasi pinag-usapan siya ng buong madla at binalita sa TV, Radio at naidiyaryo pa, instant Fame!) ang ipinagtataka ko lang ay matagal naman na iyong nangyari, pero bakit hindi parin nila iyon ginigiba at tinatayuan ng panibagong ride? – 'Yung mas WILD parang JERSEY SHORE (Season 4) At 'yung “Lion King” binago na nila, ginawa ng “Pirates Adventure” (Same location)
Malakas ang loob namin ng kapatid kong dumalaw sa “Gabi ng Lagim”, palibhasa'y magkasama kaming dalawa. Habang pumipila palang ay medyo nag-dadalawang isip na akong tumuloy (Pero hindi ko pinapahalata) ng tuluyan na kaming nakapasok sa loob, isa lang ang naging reaksyon ko mula Entrance hanggang Exit – BORING! ni isang balahibo hindi ako tinayuan, napaisip tuloy ako bigla; “Iyon na 'yon?” mas nakakatakot pa 'yung decorations sa labas kumpara sa loob, hindi rin ako nagulat sa mga mechanical ghost nilang wala sa tiyempo (Nakalampas na kami bago sila nagsisilitawan) mas masarap pang mangonyat ng mga nag-iinarteng tao sa loob (O.A kung makatili, akala mo ginagahasa ni Kamatayan – karitin ko sila eh) siguro nga hindi na rin angkop ang edad ko para sa Gabi ng Lagim.
Mahigit isang oras rin kaming pumila ng kapatid ko sa ride na tawagin nalang nating “Rocket ship” (Hindi ko alam kung anong tawag roon, basta parang mini roller coaster) pero wala pang 10 minutes kaming umikot-ikot.
Ibat ibang rides ang makikita sa Star City – halos lahat nakatutuwa, mayroong pambata, pati rin para sa mga teenager, at siyempre pang matatanda gaya nila. *Smiley* lahat nilikha para mag-enjoy at subukan ang kakayahan ng mga tao, pero higit sa lahat ginawa iyon para panandalian tayong makalimot sa ating mga problema. TUNAY NGANG MASARAP MAGING BATA, Pero hindi parin ako sang-ayon sa paaralang ginaganap ang lakbay aral sa mga amusement park gaya ng Enchanted Kingdom, Star City, Story Land, Circle of Fun at marami pang iba (Wala na akong maisip bukod sa Disney Land)
Aminado akong noong kabataan ko'y tuwang-tuwa ako pag-sinasabi ng guro na sasakay kami sa “Mary'go'round” at “Caterpillar” pero ang tanong; “Paano iyon naging EDUCATIONAL?” Simpleng Trip lang iyong matatawag kung ganun; gaya ng magbabarkadang sumasakay ng 'Peris'wheel' sa Peryahan.
Suot ko parin hanggang ngayon ang Ride all you can Bracelet na may naka-sulat na; “STAR CITY. Non Transferable / Not valid if VIP tag is broken and / Or serial no. is tampered: 1959641”
Memorable itong araw na ito, nagbalik kasi lahat ng masasayang alaala ko noong kabataan sa parehong lokasyon,
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Sana sa susunod, DISNEY LAND experience naman ang i-kukwento ko sa inyo.. Hawak kamay tayong lahat na mangarap, na gaya ni Peter Pan ay makakaya rin nating lumipad hindi man sa totoong buhay at himpapawid, posible naman sa ating mga panaginip.. Goodnight everyone, I'm so tired! Thanks for keeping in touch.. Love lots!
comments