xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' xmlns:fb='http://www.facebook.com/2008/fbml' MRB Diaries

Welcome to MRBDIARIES!

Miyerkules, Hulyo 9, 2014

KATOL


"KATOL"
June 05, 2014 
11:35 Pm 

Sabado. 

Nakaupo sa sala, sinampal ang kaliwang pisngi upang patayin ang lamok na kanina pa nagpupumilit makasipsip ng dugo mula sa akin. Nagtagumpay ako. Ngunit isang iglap lang ay may nagtangka nanaman na ako'y gambalain. Sinindihan ko ang katol at ipinatong sa lamesa, nagliparan palayo ang mga mumunting bampira. Nakahinga na ako ng maluwag. 

Naka bukas ang TV. mapapanuod ang mga hindi ko kilalang artistang magiliw na sumasayaw at kumakanta sa palabas ni Kuya Germs: "WALANG TULUGAN" 
hindi ako makapag focus sa pinapanuod, ang dami kasing tumatakbo sa aking isipan, 
mga bagay na hindi ko maiwaglit, tila gustong kumawala, nagpupumilit lumabas mula sa aking kaloob-looban. 

kinuha ko ang remote at pinindot ang button upang tumahimik ang paligid. naramdaman ko ang malamig na hanging nagmumula sa bukas na bintana at isinara ito. kumuha ako ng papel at panulat. 
Tinignan ang kaputian ng blankong papel.

hawak sa kanang kamay ang panulat, "Sisimulan ko na ba ang pagkakalat ng tinta? "
matagal ko na itong hindi ginagawa, nakaramdam ako ng takot na may halong pananabik, pero mas nangingibabaw ang takot. 

"Kaya ko pa kaya?" 
"Paano ko ba sisimulan??" 

sa tagal ng panahon, tila pumurol na ata ang aking kokote, hindi na ata ako marunong magsulat. 
ang alam ko nalang ata gawin ngayon ay ang tumayo sa mall, mambola ng mga taong ngayon ko lang nakilala , manghabol at mangulit ng mga taong kay taas ng tingin sa kanilang mga sarili. 
nasanay na ko sa ganitong tagpo. Magtatatlong taon ko na rin pala itong hanapbuhay. tinitiis ang panlalait ng mga mangmang, nagsasakripisyo para matupad ang mga pangarap,. 
patibayan ng loob ika nga. Matira matibay! kailangan sumabay sa agos, patuloy na lumalaban sa laro ng buhay. binabaybay ang kapalaran, at nananatiling naka tayo't sinasalag lahat ng batong ipinupukol sa aking direksyon.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
ipinikit ko ang mga mata. yumuko at bumulong sa hangin; "Kaya ko ito!!" muling dumilat at nagpatuloy sa pagsusulat. Marahil dala lang siguro ng kalungkutan kaya ko nagkakaganito. 

Ewan ko ba.. hindi ko maintindihan. 

"Bakit?" 
"Sino?" 
"Ano?" 
"Paano?" 
"Kailan?" 
"Saan?" 

Ang daming tanong na tila
 inabanduna na ng kasagutan. 

"Bakit ito nangyayari?" 
"Ano nga bang nagyayari?" 
"Sinong lulutas?" 
"Paano malulutas?" 
"Kailan magiging okey ang lahat?" 
"Saan ako magtatago?" 

Tatawa? iiyak? o hahayaan ko nalang. Maglalakad o tatakbo?
Paikot-ikot lang ang buhay, nangyari na ito dati, walang pagkatuto. sisigaw, bubulong, lulundag, papalakpak at muling sisigaw "TULONG!!!" tatawa, iiyak, PAULIT-ULIT!!
Baliw, sira ulo, timang, kulang-kulang, nawawala sa tamang pag-iisip.
Pipikit, titingala, at magdarasal.
Hihingi ng tawad
Maguguluhan
Malilito
Papadyak ng tatlong beses at papalakpak
"Ano ba talaga ang nangyayari??" 

Nagliwanag
At muling dumilim.
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
Tumahimik ang paligid
Tumingin sa relo.
 "Maaga pa pala pasok ko bukas." 
Oras na para ipahinga ang kanina pa lumilipad sa ere kong isipan.
Pinatay ko ang katol na kanina pa nalalanghap. 

Ito marahil ang epekto.. 
Kung ano-anong pinagsasabi ko.

Time check: 12:38 AM


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

comments

Miyerkules, Hulyo 2, 2014

Philippine Prudential Life


PRIVATE!


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 


(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)


comments

Lunes, Enero 28, 2013

Sulat Para Sa'yo


"Sulat Para Sa'yo"
July 29, 2012
01:02 Am


Mahal, Nakauwi kaba ng maayos? salamat sa pagsama sa'kin kumain kanina, nabusog ako. makita lang kitang nasasarapan sa kinakain mo masaya na ko. kahit laging ako ang pinagbabayad mo -- Okey lang 'yun! alam mo namang mahal kita eh, ayokong pinagugutuman ka, hindi baleng maubos pera ko lumaki lang tiyan mo! diba 'yan naman ang gusto mo, para na nga kitang alagaing baboy, kulang nalang ay katayin kita ng mapakinabangan.


Alam mo, sobrang saya ko ngayon, kasi iniwan mo nanaman ako matapos pagbayarin sa lahat ng inorder mo, pati pala bisyo mong yosi sagot ko! sana noong una palang ay na-inform na ako agad na sponsor pala kailangan mo -- Hindi boyfriend!

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

Nakakatuwa lang isipin, na sa sobrang kakapalan ng mukha mo ay kahit katiting na pasasalamat ay wala akong naririnig mula sa'yo, kailangan lang siguro kitang intindihin baka kulang pa ako sa pag-unawa sa'yo, mahal sana masaya ka tuwing ginagatasan ako, sabihin mo lang kung hindi pa sapat binibigay kong allowance sa'yo, babawasan ko muna savings ko para may pang load ka sa lalake mo!! kawawa naman baka hindi na kasi siya makapagreply sa mga super sweet mong messages sa kanya na ni minsan ay hindi mo nasabi o nabulong manlang sa akin.


Mahal sorry kung next month ko pa mabibigay 'yung New iPAD na hinihiling mo sa'kin, alam ko luma na yung brand new iPAD na binigay ko sa'yo 2months ago sana maintindihan mo na medyo kapos ako ngayon, pag-iipunan ko parin Kasi 'yung wristpad na ireregalo ko sa'yo sa anniversary natin, diba gusto mo 'yun? nakita kasi kita na tinitignan mo 'yun sa cyber zone, konti nalang mabubuo ko na rin 'yung pambili, alin ba gusto mo doon? 'yung black o 'yung silver?

(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)

Mahal sorry kung nagalit ka sa'kin kanina, promise hindi ko na uulitin, ikaw naman kasi hindi mo kaagad sinabi sa'kin na winidraw mo pala yung P17,000 sa savings ko. nabigla lang talaga ako.. SORRY kung nasigawan kita!! promise hindi na mauulit!! SORRY TALAGA! saan mo ba gagamitin 'yung pera? papakabitan mo ba ng bagong stereo yung motor na binigay ko sa'yo na ni minsan ay hindi ko nakitang ginamit mo, binigay ko iyon kahit alam kong hindi ka marunong magdrive kasi ni request mo. Sino nga pala gumagamit 'nun?

Nga pala, next week ko na ibibigay yung hinihingi mong pera ah.  pambabayad mo ba 'yun ulit sa tuition ng lalake mo? Graduating na pala siya diba? okey lang naman sa'kin iyon! sana maintindihan mo ako, basta lagi mong tatandaan na MAHAL NA MAHAL KITA! nandito lang ako para sa'yo, kung kailangan mo ng pera,just call me, idedeposit ko sa account mo!


Sana wag kang magselos 'dun sa ex kong text ng text sakin, medyo masakit pa kasi itong kaliwang pisngi ko ng bigla mo akong sinampal dahil lang sa sinagot ko 'yung tawag niya.


Kagabi nga hindi ko pinapahalatang nagseselos ako, kasi mayroon akong tiwala sa'yo. noong nakita ko kayong sweet na sweet sa sofa ni Pareng Jayson, may narinig kaba sa akin? naniwala ako agad sa sinabi mong mas mahal mo ako!


Sa totoo lang, naguguluhan ako ngayon, sana mapatawad mo ako, kasi pinaghihinalaan ko kayong dalawa ng kumpare ko, sasusunod kasi kapag napuwing siya, sa mata mo ihipan hindi sa bibig!! mapatawad mo sana ako. MAHAL NA MAHAL KITA!!   



Nagmamahal,
MRB.

July 29, 2012


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

comments

Huwebes, Agosto 16, 2012

Nova stop

"Novastop"
August 15, 2012
(PRIVATE POST)


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 


(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
comments

Miyerkules, Agosto 15, 2012

My first DEATH NOTE



Dear Mr. Baltazar

You are blameless in your ways from the day were at the highest amongst all. Exercising your abundance in production and self avocation until wicked performance was found in you. After your abundance of trade, there began the shadow filled with fear, doubt, and indecision. These things brought fire on yourself and started to currupt your performance. So before I throw dreadful fire on you, end your hesitations and uncertainties and begin redeeming yourself.


You will receive a death package together with this letter. Use the package wisely. The clock is ticking. Good luck!


Diablo.


Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

comments

Martes, Agosto 14, 2012

Basang-basa sa Ulan



Follow me on Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MRBDiaries 

PRIVATE!
(This is an original work by Moises R. Baltazar. For more stories from this Author, please visit mrbdiaries.blogspot.com)
comments